That 4Ps Beneficiary Saying 8000 Pesos in Financial Aid is Only Enough for One Week (Filipino)




Galit na galit na siguro Municipal Link nung 4Ps beneficiary na nagsabi pang one week lang yung 8000 pesos na ayuda haha. Quick thoughts ko. BASAHIN NIYO MUNA NG BUO AH at hindi ko magaguarantee na marereplyan ko kayo about it kasi busy day today haha.

Bago ang lahat iwasan natin ang pambubully sa taong to at pag generalize sa mga beneficiaries ng programa.

Bakit niya kaya yun nasabi? Pwedeng naexcite lang siya sa opportunity to be in front of national television. Baka kala niya she is doing all the beneficiaries of the program a big favor by exaggerating na hindi talaga sapat yung nakuha niyang tulong. Yun nga lang lalong napahiya ang implementers, partners, at kapwa beneficiaries.

Pwedeng at that moment inatake nga siya ng greed, parang yung mga guest sa Tulfo na humihingi ng relo at kotse bigla kay Tulfo haha. Or... pwede ding hindi siya aware sa limitations ng government spending, or hindi siya aware sa hirap ng kahit n mga middle class ngayon. Kaya siguro niya ginawa to. Out of touch at this moment. We can never really know.

Ang beneficiaries, umaattend din ng Family Development Session every month. Sa sessions na ito, finafacilitate ang learning nila about topics like disaster preparedness, nutrition, and BUDGETING. Ako, hindi ako naniniwala 8000 a week ang normal budget niya. Sapagkat kung ganun, matagal na din tong candidate for delisting sa programa. Siyempre kailangan pa ding ivalidate, sapagkat mamaya e may matinding sakit ang isa sa eight family members niya or other circumstances. Siyempre we don't know that part of the story yet.

Sa mga nag cocomment ng assumptions niyo na pinang susugal at bisyo niya yung supposed 8000 a week na budget niya? We don't know that. Pero, what you can do is kung mahuli niyo e igrievance niyo para magkaron ng investigation. Ang improper use ng cash grants ay pinagbabawal sa programa.

Tama ba na sa ilang seconds na narinig mo ang isang beneficiary e maijajudge na natin ang character niya at ng buong programa? Syempre hindi.

In my opinion, the program has been successful. Three administrations have adopted it, and patuloy na to in the future. The Philippines receives grants for its implementation. Madaming success stories na din.

Naniniwala ba ako na ang Pantawid ay nagcucultivate ng culture ng dependency sa mahihirap? HINDI. Maliban sa maliit lang naman talaga ang cash grants kaya hindi ito magfofoster ng dependency kasi imposible din haha.

Tingnan niyo din research ng ADB tungkol sa Pantawid. Or tingnan niyo na din mga third party international studies about this program. Receiving cash grants did not make beneficiaries want to work less. Cash grants are only meant to augment family income. Para siyang salbabida sa taong nalulunod. Pag hindi na siya nalulunod, mas makakagawa siya ng paraan para dumiskarte ng paraan para makaahon.

May mga pasaway bang beneficiaries? Syempre oo hahaha. Kahit saan naman. Pero kaya may ways din para mabigyan ng interventions ito, at mabawasan ang mga taong hindi naman talaga eligible to receive the benefits of the program. May mga staff na ang tanging trabaho nila ay maresolve ang grievances, complaints, at mamonitor ang implementation ng program.

Remember, ang program na ito ay para sa NEXT GENERATION. Children that come from the poor. Madami ng natulungan ang program para may allowance sa school ang mga anak. Nababawasan ang mga OSY (out of school youth) and dahil sa lessons sa Family Development Sesson (para s mga nanay nila) at Youth Development Session, mas nafoster ang motivation, nutrition, financial management, at social responsibility ng mga members of the Pantawid families. Ang pinakanagbebenefit dito mga bata. Para sana pag laki nila e hindi sila mapunta sa same situation ng parents nila. Para maputol ang intergenerational cycle of poverty. Namamana din kasi ang kahirapan, at ito ang iniiwasan nating mangyari.

Valedictorians that come from Pantawid families. Families na nakaahon sa hirap at nadelist na sa program. And a lot more fruits of this program. Ang fruits nito talagang makikita natin lalo pag adults na ang mga anak nila. Then, when we have more Filipinos na nakapagtapos, na matalino kasi hindi sila malnourished, na maganda ang pagpapalaki, makikita niyo ang NEXT LEVEL ng bansa natin.

Siyempre sa portion na to pwede ko pang idagdag yung about sa empathy about the poor and how wrong it is na igeneralize sila bilang tamad. Ayoko na sabihin yun ilang tao na nag post na yun ang sinasabi e. Alternative viewpoints naman haha.

Comments

back to top